Ang Yaman ng Bawat Pilipino
Ang Yaman ng Bawat Pilipino
Inilathala ni Yulee L. Rodriguez, STEM 11-AZALEA
Sa masiglang kulturang Pilipino, ang mga tradisyon at kaugalian ay nagsisilbing salamin ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Isa ang bayanihan sa kultura na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng mga Pilipino sa kanilang komunidad. Ang baybayin ay isang sinaunang sistema ng pagsusulat na isa rin sa kayamanan ng ating kultura at pagkakakilanlan. Dagdag dito ay ang pistang bayan kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao upang magdiwang sa kani-kanilang pista, ang kanilang mga tradisyon, pagkain, kasiyahan, at prusisyon ay ang nagbubuklod sa bawat isa. Ang baro’t saya naman ay isang simbolo ng kasuotan sa mga ganitong okasyon, ito nagpapakita ng kagandahan at yaman sa sining ng ating pananamit. Bukod dito, ang pagharana ay isang sining na nagdadala ng buhay sa mga awit na ang layunin ay maipahayag ang pag-ibig at pagsasama na karaniwang isinasagawa sa mga pagdiriwang.
Bayanihan
Ang bayanihan ay mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino at sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Tradisyunal na nakikita ito sa mga tao na sama-samang nagtutulungan sa mga gawaing pangkomunidad. Noon, makikita ito sa komunidad kung saan tulong-tulong ang mga mamamayan sa pagbubuhat ng kubo. Sa kasalukuyan, patuloy itong isinasabuhay sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayo na makatulong sa mga nangangailangan at nagdadala ng pag-asa at pagbabago.
https://images.app.goo.gl/SWiYmYGkgN3ZDXZ37
Baybayin
Ang baybayin ay isang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino. Binubuo ito ng mga simbolo na kumakatawan sa tunog ng wika. Hindi lamang ito paraan ng komunikasyon kundi simbolo ng ating pagkakakilanlan at kultura. Ngayon ay muling umuusbong ang interes sa baybayin ng mga kabataan kung saan ginagamit ito sa sining at edukasyon na nagsisilbing alaala ng ating mayamang kultura.
https://images.app.goo.gl/8jZyPioVQMz5kyJC7
Pistang Bayan
Ang pistang bayan ay isang masayang pagdiriwang sa mga komunidad sa Pilipinas, kadalasang ginugunita bilang pasasalamat sa ani o patron ng bayan. Isa sa tampok na Pistang Bayan sa Bulacan ay ang Singkaban Festival. Punung-puno ito ng pagtatanghal sa kalye at ipinapakita ang tradisyonal na sining ng bayan sa pamamagitan ng paggawa ng singkaban ng mga Bayan sa Bulacan nagpapalakas ng diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa kanilang pamayanan.
https://images.app.goo.gl/7SQc8MkVkGjCf7hR8
https://images.app.goo.gl/KAeZAcQZLBoiANs96
Baro't Saya
Ang baro't saya ay tradisyonal na kasuotan ng mga Pilipino na madalas makikita sa kababaihan. Binubuo ito ng blusang baro at mahabang paldang saya na madalas isinusuot sa mga pagdiriwang. Ipinapakita nito ang yaman ng kulturang Pilipino at sinisimbolo ang kagandahan at identidad natin bilang Pilipino.
https://images.app.goo.gl/yCSXr86VgEMFmMjdA
Harana
Ang pagharana ay isang tradisyonal na sining ng pag-awit sa Pilipinas na kadalasang ginagamit upang ipahayag ang pag-ibig at damdamin. Madalas ang mga kalalakihan ay hinaharana ang mga kababaihan upang sila ay mapa-ibig. Karaniwan din itong isinasagawa sa mga okasyon tulad ng pistahan at kasalan na nagdadala ng ligaya sa bawat nakikinig.
https://images.app.goo.gl/fWvCvsFWVZqbtA5V9
Nabasa at namarkahan na. Mas mainam na maibahagi ang personal na karanasan sa paksang tinatalakay. Gayunman maganda Ang iyong gawa.
ReplyDelete