Heneral Luna : Pagsusuring Linggwistiko at Kulturang Phenomenal sa Pelikula
Heneral Luna : Pagsusuring Linggwistiko at Kulturang Phenomenal sa Pelikula Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inilathala ni Yulee L. Rodriguez, STEM 11-AZALEA Pamagat ng Pelikula : Heneral Luna Direktor : Jerrold Tarog Petsa ng Panonood : Nobyembre 1, 2024 Buod : Ang "Heneral Luna" ay isang makasaysayang pelikula na nagsasalaysay ng buhay ni Heneral Antonio Luna, isang tanyag na heneral ng Hukbong Katipunan. Ipinapakita nito ang kanyang umaalab na dedikasyon upang makamtan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Amerikano. Sa kwento, makikita ang kanyang matinding laban hindi lamang sa mga banyaga kundi pati na rin sa kanyang mga kapwa Pilipino dahil sa magkakaibang pananaw sa kung paano dapat pamunuan ang bansa. Ang kanyang estratehikong talino sa pakikidigma ay sinasalungat ng kaniyang kababayan at pagkakaiba-iba ng opinyon ng kanyang mga kasamahan. Ang pelikula ay puno ng mga makabagbag-damdaming eksena at nagpapakita ng mga labanan,...