Posts

Showing posts from October, 2024

Ang Yaman ng Bawat Pilipino

Image
Ang Yaman ng Bawat Pilipino Inilathala ni Yulee L. Rodriguez, STEM 11-AZALEA  Sa masiglang kulturang Pilipino, ang mga tradisyon at kaugalian ay nagsisilbing salamin ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Isa ang bayanihan sa kultura na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng mga Pilipino sa kanilang komunidad. Ang baybayin ay isang sinaunang sistema ng pagsusulat na isa rin sa kayamanan ng ating kultura at pagkakakilanlan. Dagdag dito ay ang pistang bayan kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao upang magdiwang sa kani-kanilang pista, ang kanilang mga tradisyon, pagkain, kasiyahan, at prusisyon ay ang nagbubuklod sa bawat isa. Ang baro’t saya naman ay isang simbolo ng kasuotan sa mga ganitong okasyon, ito nagpapakita ng kagandahan at yaman sa sining ng ating pananamit. Bukod dito, ang pagharana ay isang sining na nagdadala ng buhay sa mga awit na ang layunin ay maipahayag ang pag-ibig at pagsasama na karaniwang isinasagawa sa mga pagdiriwang. Bayanihan    Ang bayanihan...