Posts

Heneral Luna : Pagsusuring Linggwistiko at Kulturang Phenomenal sa Pelikula

Image
Heneral Luna : Pagsusuring Linggwistiko at Kulturang Phenomenal sa Pelikula Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inilathala ni Yulee L. Rodriguez, STEM 11-AZALEA Pamagat ng Pelikula : Heneral Luna Direktor : Jerrold Tarog Petsa ng Panonood : Nobyembre 1, 2024 Buod :    Ang "Heneral Luna" ay isang makasaysayang pelikula na nagsasalaysay ng buhay ni Heneral Antonio Luna, isang tanyag na heneral ng Hukbong Katipunan. Ipinapakita nito ang kanyang umaalab na dedikasyon upang makamtan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Amerikano. Sa kwento, makikita ang kanyang matinding laban hindi lamang sa mga banyaga kundi pati na rin sa kanyang mga kapwa Pilipino dahil sa magkakaibang pananaw sa kung paano dapat pamunuan ang bansa. Ang kanyang estratehikong talino sa pakikidigma ay sinasalungat ng kaniyang kababayan at pagkakaiba-iba ng opinyon ng kanyang mga kasamahan. Ang pelikula ay puno ng mga makabagbag-damdaming eksena at nagpapakita ng mga labanan,...

Ang Yaman ng Bawat Pilipino

Image
Ang Yaman ng Bawat Pilipino Inilathala ni Yulee L. Rodriguez, STEM 11-AZALEA  Sa masiglang kulturang Pilipino, ang mga tradisyon at kaugalian ay nagsisilbing salamin ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Isa ang bayanihan sa kultura na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng mga Pilipino sa kanilang komunidad. Ang baybayin ay isang sinaunang sistema ng pagsusulat na isa rin sa kayamanan ng ating kultura at pagkakakilanlan. Dagdag dito ay ang pistang bayan kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao upang magdiwang sa kani-kanilang pista, ang kanilang mga tradisyon, pagkain, kasiyahan, at prusisyon ay ang nagbubuklod sa bawat isa. Ang baro’t saya naman ay isang simbolo ng kasuotan sa mga ganitong okasyon, ito nagpapakita ng kagandahan at yaman sa sining ng ating pananamit. Bukod dito, ang pagharana ay isang sining na nagdadala ng buhay sa mga awit na ang layunin ay maipahayag ang pag-ibig at pagsasama na karaniwang isinasagawa sa mga pagdiriwang. Bayanihan    Ang bayanihan...